Paalam Na

Lyrics
[Verse 1] Kamusta ka na? Masaya ka ba? Kamusta siya? Napapasaya ka ba niya? Nasaktan ka rin ba nung tayo'y nawala? Nahirapan ka ba kalimutan ang lahat? [Pre-Chorus] Kaya't maraming katanungan sa isipan Kailangan kong malaman [Chorus] Nasa'n ka? Bakit ako'y iniwan mo? Ang sabi mo, mahal mo ako Pero bigla kang nagbago Nasa'n ka? Nawala ka bigla-bigla 'Di nagsabi o nagsalita Ano bang nagawa at iniwang Naghintay sa wala? [Verse 2] Hindi ko maiwasang mag-isip nang malalim Hindi ko mapigilang masaktan paulit-ulit Hindi makalimutan ang lahat na nangyari Hindi ko maintindihan kung bakit 'di nagsabi [Pre-Chorus] Kaya't maraming katanungan sa isipan Kailangan kong malaman [Chorus] Nasa'n ka? Bakit ako'y iniwan mo? Ang sabi mo, mahal mo ako Pero bigla kang nagbago Nasa'n ka? Nawala ka bigla-bigla 'Di nagsabi o nagsalita Ano bang nagawa at iniwang Naghintay sa wala? [Bridge] Ang sabi'y maghihintay sa'yo Pero bakit bigla kang naglaho? 'Asan ka nung kailangan kita? Ayun pala bumalik ka sa kaniya, ahh [Chorus 2] Tama na, 'di na ako aasa pa Puso'y pagod na, pagod na masaktan Tama na lahat ay bibitawan na Mga pangarap ko sa'ting dalawa Dahil masaya ka na Paalam na [Outro] Paalam na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Mikee Misalucha