Handa Na Ba Kayo

Lyrics
[Verse 1: Kyline Alcantara] Marami pang hinahanapan ng regalo Sandali na lang nariyan na ang Pasko Kay haba ng listahan pamilya't kaibigan Sa dami ng inaanak, sana'y walang malimutan Magkasya kaya ang aking shopping budget? Magtya-tyangge kahit malayo o malapit, makakaraos din [Pre-Chorus: Kyline Alcantara] Basta't ang bibilhin, 'di man mamahalin May kurot sa damdamin [Chorus: Kyline Alcantara] Handa na ba kayo? (Merry Christmas, Merry Christmas) Nandito na'ng Pasko (Merry Christmas, Merry Christmas) Handa na ba kayo? (Merry Christmas, Merry Christmas) Salubungin ang Pasko (Merry Christmas, Merry Christmas) [Verse 2: Kyline Alcantara] 'Di man gumagalaw ang mga jeepney sa lansangan Nakangiti lahat ng taong madadaanan Iyong maririnig pamaskong mga himig [Pre-Chorus: Kyline Alcantara] Mga bata sa paligid nangangaroling [Chorus: Kyline Alcantara] Handa na ba kayo? (Merry Christmas, Merry Christmas) Nandito na'ng Pasko (Merry Christmas, Merry Christmas) Handa na ba kayo? (Merry Christmas, Merry Christmas) Salubungin ang Pasko (Merry Christmas, Merry Christmas) [Bridge: Jeric Gonzales] Simbang gabi, puto bumbong, bibingka Noche buena, hamon, queso de bola Pasko'y 'di kumpleto kung wala nito Belen, Christmas tree, Santa Klaus at regalo Monito, monita, something red, something sweet Nadarama ko na, simoy na malamig 'Eto na, 'eto na, 'eto na [Chorus: Kyline Alcantara, Jeric Gonzales] Handa na ba kayo? (Simbang gabi, puto bumbong, bibingka) (Noche buena, hamon, queso de bola) Nandito na'ng Pasko (Pasko'y 'di kumpleto kung wala nito) (Belen, Christmas tree, Santa Klaus at regalo) Handa na ba kayo? (Monito, monita, something red, something sweet) (Nadarama ko na, simoy na malamig) Salubungin ang Pasko ('Eto na, 'eto na, 'eto na) [Outro: Kyline Alcantara & Jeric Gonzales] Handa na ba kayo? (Merry Christmas, Merry Christmas) Nandito na'ng Pasko (Merry Christmas, Merry Christmas) Handa na ba kayo? (Merry Christmas, Merry Christmas) Salubungin ang Pasko (Merry Christmas, Merry Christmas)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Eymard Altoveros
- Jimmy Borja