Monumento

Album cover art for "Monumento" by Kyla (PHL)

Kyla (PHL) - R&B, Pop

Monumento

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1: Kyla, Kris Lawrence, Both] Ikaw ang sumisindi Sa aking napupunding pangarap Lalong tumitindi Ang apoy ng pagsisikap Ako ang pinipinta Larawang sinisintang hangarin 'Di mo iniinda Ang pahirap sa damdamin [Pre-Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence] Hulog ka ba ng langit? Tila anghel ka na walang kasing bait Palaisipan kung bakit Datapwat subalit, mahiwaga nga ang pag-ibig Woah-oh-oh [Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence] Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento Para ipakita ang pagmamahal sa'yo At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento Idol ka, taas kamay ako sa'yo Ikaw ang dakila, (Ikaw ang) syento porsyento Hayaan mo't ipagtatayo kita (Hayaan mo't ipagtatayo kita) ng monumento [Post-Chorus: Both] 'Mento, 'mento, 'mento Mo-monumento 'Mento, 'mento, 'mento [Verse 2: Kris Lawrence, Kyla, Both] Sa dami ko nang sablay At dami nang pasaway na banat Ang dapat sa akin ay Sa presinto na lang magpaliwanag Buti na lang wagas Kahit na ang dalas magkulang 'Di ka nababanas? Pangiti-ngiti ka lamang [Pre-Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence] Parang nananaginip Ayaw gumising na sa pagkakaidlip Sobrang napapaisip Dedma sa bad trip, ibang klase nga ang pag-ibig [Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence] Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento Para ipakita ang pagmamahal sa'yo At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento Idol ka, taas kamay ako sa'yo Ikaw ang dakila, (Ikaw ang) syento porsyento Hayaan mo't ipagtatayo kita (Hayaan mo't ipagtatayo kita) ng monumento [Bridge: Kyla with Kris Lawrence] Sa bawat sulok, kanto at rotonda Ibabantayog, walang kokontra [Chorus: Kyla, Both, Kris Lawrence] Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento Para ipakita ang pagmamahal sa'yo At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento Idol ka, taas kamay ako sa'yo Ikaw ang dakila, (Ikaw ang) syento porsyento Hayaan mo't ipagtatayo kita (Hayaan mo't ipagtatayo kita) [Outro: Both] Sa EDSA, Caloocan o Luneta Kahit saan ipagtatayo kita ng monumento 'Mento, 'mento, 'mento Mo-monumento 'Mento, 'mento, 'mento

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jungee Marcelo