Nasaan Ka Irog

Lyrics
[Verse 1] Nasaan ka irog at dagling naparam ang iyong pagmamahal? 'Di baga sumpa mong ako'y mamahalin? Iyong itatangi, iyong itatangi magpahanggang libing Subalit nasaan ang gayong pagtingin? [Verse 2] Nasaan ka irog at natitiis mong ako'y nangungulila? Hanap-hanapin ikaw sa alaala Nasaan ang sabi mong ako'y iyong ligaya? Ngayo'y nalulungkot, ngayo'y nalulungkot at 'di ka makita [Bridge] Irog ko'y tandaan [Verse 3] Kung ako man ay iyong ngayon ay siniphayo Mga sumpa't lambing pinaram mong buo Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho At magsisilbing bakas ng nagdaan pang pag-irog Ah, ah, ah Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho At magsisilbing bakas ng nagdaan pang pag-irog [Outro] Nasaan ka, irog? Ah Nasaan ka, irog? Nasaan ka, irog?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Nicanor Abelardo