Paalam Na

Lyrics
[Verse 1] Nais ko lang malaman mo Laman ng aking puso Baka 'di na mabigyan ng ibang pagkakataon Na sabihin ito sa'yo [Pre-Chorus] 'Di ko ito ginusto Na tayo'y magkalayo Nguni't 'di magkasundo Damdamin laging 'di magtagpo, ooh [Chorus] Paalam na, aking mahal Kay hirap sabihin Paalam na, aking mahal Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa Puso't isipa'y magkaiba Maaring 'di lang laan sa isa't isa [Verse 2] Sana'y huwag mong isipin Na pag-ibig ko'y di tunay Dahil sa 'yo lang nadama Ang isang pag-ibig na walang kapantay [Pre-Chorus] Nguni't masasaktan lang Kung puso ang pagbibigyan Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan [Chorus] Paalam na, aking mahal Kay hirap sabihin Paalam na, aking mahal Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa Puso't isipa'y magkaiba Maaring 'di lang laan sa isa't isa [Bridge] Ooh, darating sa buhay mo Pag-ibig na laan sa 'yo At mamahalin ka niya Nang higit sa maibibigay ko [Chorus] Paalam na, aking mahal Kay hirap sabihin Paalam na aking mahal Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa Puso't isipa'y magkaiba Maaring 'di lang laan sa isa't isa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Dingdong Avanzado