Eto Na Naman Tayo

Album cover art for "Eto Na Naman Tayo" by Klarisse

Klarisse - Pop, Philippines

Eto Na Naman Tayo

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Ayaw ko ang parating na umaga Dahil alam ko na ika'y aalis na Kahit anong lambing at pigil ng pagyakap ko Tuluyan mo pa ring tatalikuran ako, hmm Kahit alam mo na kailangan kita Hindi ka maawa't sa paglisan, sinta Paano ba ito? Ako'y gulong-gulo na Dalangin ko na maibsan Ang sakit na nararamdaman, sinta [Chorus] Heto ka na naman sa pag-papaalam mo Heto na naman ako sa pagluha ng mata ko Heto ka na naman sa halik at yakap mo Heto na naman ako sa nararamdaman ko sa'yo [Verse 2] Ayaw ko na ng mga tawag mo Mas lalo akong nalulungkot kakaisip sa'yo Kapag napagtatanto ko na wala ka dito Mas bumibigat ang pakiramdam ko Alam ko mahirap ang sitwasyong ito Pero hanggang saan at kailan 'ko magiging sa'yo Paano ba ito? Ako'y gulong-gulo Dalangin ko sana matapos na ang lahat ng ito [Interlude] La-la-la-la, la-la-la-la La-la-la-la, la-la-la-la [Chorus] Heto ka na naman sa pag-papaalam mo Heto na naman ako sa pagluha ng mata ko Heto ka na naman sa halik at yakap mo Heto na naman ako sa nararamdaman ko sa'yo [Bridge] Pangarap ko sana Dumating ang araw na ako lang Ako na lang sana [Chorus] Heto ka na naman sa pag-papaalam mo Heto na naman ako sa pagluha ng mata ko Heto ka na naman sa halik at yakap mo Heto na naman ako sa nararamdaman ko sa'yo [Outro] Eto na naman tayo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Rox Santos