Maniwala Ka Lang

Lyrics
[Verse 1] Nawawala ka ba Sa daang puno ng pagod at pait Naglalakad ka ba ng nakapikit 'Di nakikita kung saan paparating [Pre-Chorus] Maligaw ka man sa dilim May ilaw na ika'y sasagipin [Chorus] Kahit kailan 'di ka nag-iisa Sana'y ang puso mong bigo 'wag mabahala Habang may buhay, may dahilan Magpatuloy sa 'ting hantungan Paghihirap rin may hangganan Maniwala ka lang May nakikinig sa 'yo [Verse 2] Nagbibilang ng mga araw Kung kailan matatapos ang hinagpis Mahigpit na kumakapit Sa natitirang hiwatig ng pag-asa [Pre-Chorus] Maligaw ka man sa dilim May ilaw na ika'y sasagipin [Chorus] Kahit kailan 'di ka nag-iisa Sana'y ang puso mong bigo 'wag mabahala Habang may buhay, may dahilan Magpatuloy sa 'ting hantungan Paghihirap rin may hangganan Maniwala ka lang, may nakikinig sa 'yo Ohhh ohhh ohhh... Ohhh ohhh... [Chorus] Kahit kailan 'di ka nag-iisa Sana'y ang puso mong bigo 'wag mabahala Habang may buhay, may dahilan Magpatuloy sa 'ting hantungan Paghihirap rin may hangganan Maniwala ka lang, may nakikinig sa 'yo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Arlene Calvo