Ako Ba O Siya?

Lyrics
[Intro] Na-na-na, na [Verse 1] Ang pag-ibig niya ba para sa'yo? Higit pa sa pag-ibig ko Maging ang buhay ay inangkin mo Ano pa ba ang pagkukulang ko? Buong akala ko ay tayo na Na lagi ay magkakasama Bakit nagagawang maglihim pa Gayong mahal na mahal naman kita? [Chorus] Ako ba o siya sa puso mo? Ang nararapat na ibigin Ang tunay na mahal, sino sa amin Ang siyang luluha at maiiwan Sa'yong pag-amin? [Verse 2] At kung mangyari na hindi ako Ang pipiliin ng puso mo Ingingiti at iluluha ito Sakali't tuluyang iiwan mo [Chorus] Ako ba o siya sa puso mo? Ang nararapat na ibigin Ang tunay na mahal, sino sa amin Ang siyang luluha at maiiwan Sa'yong pag-amin? [Bridge] Madaling sabihin na malilimutan ka Ngunit sa puso ko'y paano nga ba? Ngunit anong magagawa Sakali at ayaw mo na? Maghihintay na lang kung babalik ka pa [Chorus] Ako ba o siya sa puso mo? Ang nararapat na ibigin Ang tunay na mahal, sino sa amin? Kapag wala ka na, ano ang gagawin? Ang siyang luluha at maiiwan Sa'yong pag-amin?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Vehnee Saturno