Tulad Mo

Album cover art for "Tulad Mo" by Julie Anne San Jose

Julie Anne San Jose - Pop, Philippines

Tulad Mo

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Itong tula't kantang aking nais iparating Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin Sa mundong ibabaw mga tao ay iba-iba Simula't sapul musmos na isip ay 'di alintana Ang biyayang binigay sa kaniya ng Panginoon Sa kaniyang palad palagi mga dasal ay may tugon Tila ba sa bawat pag-awit nagmumula sa puso Ngiti sa mga labi pagtapak ng entablado Mga taong binubulong, sinisigaw kaniyang pangalan Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan Ngunit sa kabila ng kaniyang tinatahak na landas Para bang may kapalit at magulo ang dinaranas Dating buhay, ang simpleng pamumuhay Kung 'di lang sa pangarap na nabibigay na kulay [Chorus] Parang ihip lang ng hangin ang panahon Maraming tatahakin sa bawat yugto Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo? Tao lang naman ako na tulad mo, ooh, yeah, yeah [Verse 2] Kay sarap isipin ang pangarap na tinatamasa Parang panaginip ang lahat ika'y sagana Ngunit hindi kayang iwasan ang mapanghusga Na para bang tuwang-tuwa kapag ika'y nadarapa At minsan tinamaan nga naman ni Kupido Para bang nasa langit subalit naging komplikado Iniwang nakalutang at tuluyang nag-iisa Paulit-ulit ang tanong, sino ba ang nagkasala? Nagtiwala, kasalanan bang damdamin ay tapat? 'Yun ang akala, ako pala'y hindi pa rin sapat Damang-dama mga sugat mahirap mawala Hanggang sa pumatak na lang ang mga luha sa lupa Na tila ba nabubulagan, bakas ng nakaraan Na 'di na dapat balikan salamin ng kamalian Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo Tao lang naman ako at "dakilang macho" [Chorus] Parang ihip lang ng hangin ang panahon Maraming tatahakin sa bawat yugto Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo? Tao lang naman ako na tulad mo, oh-oh-ohh [Chorus] Parang ihip lang ng hangin ang panahon Maraming tatahakin sa bawat yugto Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo? Tao lang naman ako na tulad mo [Chorus] Parang ihip lang ng hangin ang panahon (Ohh) Maraming tatahakin sa bawat yugto (Sa bawat yugto) Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo? Tao lang naman ako na tulad mo (Tao lang ako) Na tulad mo, na tulad mo, na tulad mo, ohh

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Julie Anne San Jose