Bulag, Pipi At Bingi

Album cover art for "Bulag, Pipi At Bingi" by Freddie Aguilar

Freddie Aguilar - Pop, Pinoy Rock

Bulag, Pipi At Bingi

62.5K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Intro] Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi [Verse 1] Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan 'Wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan [Chorus] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal [Verse 2] Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman [Chorus] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal [Verse 3] Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo [Chorus] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Freddie Aguilar