Di Na Natuto

Album cover art for "Di Na Natuto" by Juan Caoile

Juan Caoile - Rap, Philippines

Di Na Natuto

0 Plays

Duration: 2:39

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Chorus] Alam na alam mo kung pa'no makuha Kabisado kiliti ko, ah, maduga Kahit na 'di ko gusto kinakausap Tapos ayos na agad pagtapos nating mag-anuhan 'Sang ngiti mo lamang at ako'y mapapaamo Oh, oh, 'di na natuto [Verse 1] Yung mga problema nalimutan Natuyo na lang din mga luha Alam ko din na mapaglaro ka Pero bakit sa 'yo pa rin punta? Kahit sa iba ka sumusunggab Iba-iba amoy ng 'yong punda Kaya pala ang dami-dami mo rin napundar Nasanay na ako sa mga kataga mong "Sa 'yo naman ako umuuwi" Kahit alam ko naman ginagawa mo 'Di pa rin ako sa 'yo napundi Hanggang kailan ba ako magpapagago? Puso mo malabo mo ring sundin Tanong ko tuloy, may halaga pa ba 'ko? Oo, pero malamang sa 'yo ay kakaunti [Chorus] Alam na alam mo kung pa'no makuha Kabisado kiliti ko ah maduga Kahit na 'di ko gusto kinakausap Tapos ayos na agad pagtapos nating mag-anuhan 'Sang ngiti mo lamang at ako'y mapapaamo Oh, oh, 'di na natuto [Verse 2] Oh, yeah, nandiyan ka na naman Pa'no manlalaban ang aking puso? 'Di ko maturuan, 'di ko mautusang lumayo sa 'yo Oh, tukso (Lumayo, lumayo ka) Kaso 'di mo 'ko pakikinggan Kaya alam ko lalapit ka Oh, 'di na lang kita titingnan, kaso nga lang 'Pag gabi medyo lumalim na ('Yan na) Tatabi ka na sa 'kin, tapos biglang yayakapin Alam mo rin kung anong hanap ko Pero kung gusto mo talaga na magsama tayong dalawa Nakaraan, iwanan mo [Chorus] Alam na alam mo kung pa'no makuha Kabisado kiliti ko ah maduga (Yeah, oh) Kahit na 'di ko gusto kinakausap Tapos ayos na agad pagtapos nating mag-anuhan 'Sang ngiti mo lamang at ako'y mapapaamo Oh, oh, 'di na natuto

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Credits Not Found