Wow Na Feelings

Lyrics
[Verse 1] Sana muli, sana muling ika'y Makasa—, makasa—, makasama ngayon Walang balita sa iyo buhat noon Magkaklase pa tayo no'n at nangyari Reunion ng dating barkada naging buhay Nang ika'y dumating, grupo ay nag-ingay Ikaw na lang ang hinihintay [Refrain] At ngayon, nand'yan ka na 'Di makatingin sa'yong mata Mayro'ng gumugulo sa'king nadarama 'Pagkat may nililihim ako at lumipas na ang ilang taon Hindi pa ba ito ang tamang pagkakataon? [Chorus] Hindi ko pa alam kung ipapadama O hidden na lang 'tong wow na feelings na para sa'yo Baka naman na mapahiya lang ako Sa iyo'y mabigo, pighati'y mabuo Pa'no ba 'to? [Verse 2] Bakit muli, bakit muling 'Di na ma—, 'di na ma—, 'di na mapakali Katabi kita't lalo ka pang lumalapit Tensyon ay tumitindi at nangyari [Refrain] Tuksuhan ng ating barkadang pasaway Walang pakialam at sila ay nag-ingay Pwede daw magdikit-kamay At nung narinig kita, tanong mo ay "Okay ka ba?" Hindi pa din masabi aking nadarama Kasi nga ang lihim na ito'y Tinatago ko hanggang ngayon Hindi pa ba ito ang tamang pagkakataon? [Chorus] Hindi ko pa alam kung ipapadama O hidden na lang 'tong wow na feelings na para sa'yo Baka naman na mapahiya lang ako Sa iyo'y mabigo, pighati'y mabuo Pa'no ba 'to? Pa'no ba 'to? [Post-Chorus] Hindi ko pa alam kung nasa'n na ba ang lakas ng loob Sana lang, sana ay ibigay mo na 'to Oh, jusko naman o kaya'y bahala na Ayoko lang masayang 'tong wow na feelings [Pre-Bridge] Baka mali, baka mali sa Inaaka—, inaaka—, akalang ito Ating samahan siguro'y 'di magbabago Heto't aaminin ko na nga sa'yo [Bridge] Nang bigla mong inabot Karton na may dalawang tiklop Sa aking pagbuklat, ang nais ko ay naudlot Nagulat sa natuklasan, lugar at petsa't Pangalan ng dalawang pusong... Tama na, ikakasal ka na pala [Breakdown] Ohh, wow naman, oh jusko naman 'Di ko inaasahan, ah, ah, ang sakit naman Ang sakit-sakit naman [Chorus 2] Hindi ko na pala ipapaalam At hidden na lang 'tong wow na feelings Na para sa'yo, na para sa'yo Heto na nga't ako'y nabigo Nawalan ng lakas ng loob Pighati'y nabuo, pa'no na 'to? Ooh, paano na 'to? [Outro] Siguro'y nararapat lamang ito Dahil sa nagawa noon sa'yo Sana'y 'di nagkaganito Oh, pasensya na sa'ting nakaraan Sinayang ko lang ang wow na feelings mo, woah-ohh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Karlo Zabala