Ikaw At Ako

Lyrics
[Verse 1] Ikaw at ako, pinagtagpo Nag-usap ang ating puso Nagkasundong magsama habang buhay [Verse 2] Nagsumpaan sa Maykapal Walang iwanan, tag-init o tag-ulan Haharapin bawat unos na magdaan [Verse 3] Sana'y 'di magmaliw ang pagtingin Kay daling sabihin, kay hirap gawin Sa mundong walang katiyakan Sabay natin gawing kahapon ang bukas [Verse 4] Ikaw at ako, pinag-isa Tayong dal'wa ma'y kaniya-kaniya Sa isa't isa tayo ay sumasandal [Verse 5] Bawat hangad kayang abutin Sa pangamba'y 'di paaalipin Basta't ikaw, ako, tayo magpakailanman [Bridge] Kung minsan ay 'di ko nababanggit Pag-ibig ko'y 'di masukat ng anumang lambing At kung magkamali akong ika'y saktan Puso mo ba'y handang magpatawad? [Instrumental Break] [Outro] 'Di ko alam ang gagawin kung mawala ka Buhay ko'y may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan Umabot man sa'ting huling hantungan Kapit-puso kitang hahayaan, ngayon at kailanman Ikaw at ako
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Johnoy Danao