Ulan Sa Siyudad

Joey Ayala At Ang Bagong Lumad - Pop, Filipino
Ulan Sa Siyudad
0 Plays
Duration: 3:33
Lyrics
[Verse 1] Ang bawat patak ng ulan sa siyudad Ay patak ng payapa Sa bubong ng isipan Hala umulan ka, o kaibigang langit Diligan ng payapa ang puso at isip [Verse 2] Hayaang uminom sa katas ng buhay Ang mga pagod Sa maghapong trabaho Hayaang magtampisaw Sa galak at tagumpay Ang batang tumanda Sa paghahanapbuhay [Verse 3] Pagmasdan mo, o anak ng siyudad 'Di mabilang ang patak ng ulan Ikaw, tulad niya ay 'di nag-iisa Sa daloy ng ating kasaysayan [Instrumental Break] [Verse 4] Basbasan, basbasan, o patak ng ulan Basbasan kaming nagpupunyagi 'Pagkat tulad mo, kami'y nagtatagpo Sa daloy ng aming kasaysayan [Verse 5] Ang bawat patak ng ulan sa siyudad Ay patak ng payapa Sa bubong ng isipan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala