Tingnan N’yo

Album cover art for "Tingnan N’yo" by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad

Joey Ayala At Ang Bagong Lumad - Pop, Folk

Tingnan N’yo

0 Plays

Duration: 4:56

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Pitong libong isla sa dagat Arkipelago Batong basag, bansang buo Animnapung milyong tao dito ay namumuhay Minsa'y nagkaisa, minsa'y hiwa-hiwalay [Verse 2] Tingnan niyo, tingnan niyo Ang lupang ito Basag na pangarap sa sahig ng mundo Tingnan niyo, tingnan niyo Ang lupang ito Halina't pulutin ang pira-piraso [Interlude] [Verse 3] Dal'wang dekada ng dilim Ngayo'y lumipas na Nguni't may aninong natitira Digmaang tahimik, digmaang pabulong Digmaang mapayapa Halik ng tingga ay 'di madama [Verse 4] Tingnan niyo, tingnan niyo Ang lupang ito Ang anak niyang magiting Ang siyang nagtago Tingnan niyo, tingnan niyo Ba't ba ganito Sa kamay ng panday Ay baril at punglo [Bridge] Ha ha ha ha Ha ha ha Ha ha ha ha Ha ha ha ha Ha ha ha Ha ha ha ha [Verse 5] O mga kapatid sa biyak na bato Ilan pa ang papanaw nang bansa'y mabuo? Halina't iwanan ang lumang digmaan Panibagong laranga'y ating subukan O mga kapatid sa biyak na bato Ilan pa ang papanaw nang bansa'y mabuo? Halina't iwanan ang lumang digmaan Panibagong laranga'y ating subukan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala