Tatang

Album cover art for "Tatang" by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad

Joey Ayala At Ang Bagong Lumad - Pop, Filipino

Tatang

0 Plays

Duration: 4:20

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Si Tatang ay bayani ng nakaraang Digmaang pandaigdig Kanang paa'y inalay sa bayan [Verse 2] Sabi nila siya'y ulyanin na At 'di na makapagsalita Sa wari ko, siya'y nagpapanggap lamang Nagmamaang-maangan [Verse 3] Bandilang kupas ay isinabit sa dingding ng silid Tanda ng sugat na kailanpama'y 'di magmamanhid [Instrumental Break] [Verse 4] Marahil madalas niyong magunita Ang buhay niyo noon Ang hirap at pagtitiis ng gerilya [Verse 5] Umaalingawngaw sa isipan niyo Ang sigaw ng kapwa sundalo Ilang buhay ba ang nakitil sa paglalaban? 'Di mabilang Sa sagupaan kayo'y naghasik ng dugo Upang ang kapayapaa'y sumibol At tumubo sa lupa, sa puso [Verse 6] Tatang, Tatang alam kong alam niyo Bihag pa rin ang lupang Diniligan ng dugo Ang kapayapaa'y nakatanim na sa puso Nguni't ang kalaban ay naririyan pa La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la-la-la-la (La-la-la) La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la-la-la-la [Verse 7] Tatang Tatang alam kong alam niyo 'Di sapat ang libu-libong baril at hukbo Patuloy ang digmaan, iba lang ang anyo Ang kalaban ay naririyan pa [Verse 7] Tatang Tatang alam kong alam niyo 'Di sapat ang libu-libong baril at hukbo Patuloy ang digmaan, iba lang ang anyo Ang kalaban ay naririyan pa Ang kalaban ay naririyan pa Ang kalaban ay naririyan pa

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala