Talambuhay

Lyrics
[Verse 1] Noong ako'y 'sang bata pa ako'y nagtataka Kung saan nagmumula ang ilaw t'wing umaga Tinuro ni ina ang bilog ng araw Ito ay aking tiningnan at ako ay nasilaw [Verse 2] Ngayon alam ko na ang araw ay isang bituin At tuwing gabi sa langit ako'y nakatingin Libo-libong tala dito'y nagkikislapan Libo-libong kasama sa dilim at kalungkutan [Refrain] Araw sa umaga Bituin sa gabi Tala ng buhay Kasama sa dilim at kalungkutan [Verse 3] Nang tayo ay magtagpo sa parang ng buhay Pagkatao ko ay nagising sa 'yong kamay Pinag-aralan natin ang sining ng pag-ibig Ako'y nagkalakas-loob, tumibay, tumindig [Verse 4] Ngayon alam ko na ang pag-ibig ay isang bituin Batid mo ang tanglaw kahit 'di kayang abutin Ika'y biglang tumungo kung saan 'di ko alam Kasama ngayon sa pag-iisa'y pag-ibig na naiwan [Refrain] Araw sa umaga Bituin sa gabi Tala ng buhay Aanhin itong pag-ibig na naiwan [Instrumental Break] [Verse 5] Nang malasahan ko ang dahas nitong mundo Pag-ibig na naiwa'y nagkabagong-anyo Naintindihan ko na ika'y naging tala Ang ilaw mo'y tumatagos sa gabing nagluluksa [Verse 6] Ngayon alam ko na kitang tanan ay mga bituin Mahina man ang ilaw, ang araw ay darating At tayo'y liliyab At ang gabi ay masisilaw Sa libo-libong kasamang Nagbibigay-tanglaw [Refrain] Araw sa umaga Bituin sa gabi Tala ng buhay Kitang tanan pala'y mga bituin Pag-ibig natin ay magniningning
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala