Manong Pawikan

Album cover art for "Manong Pawikan" by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad

Joey Ayala At Ang Bagong Lumad - Pop, Filipino

Manong Pawikan

0 Plays

Duration: 4:06

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Manong, manong pawikan Tahanan ay pasan-pasan Wala ba kayong mapaglagyan Sa lupang kinagisnan [Verse 2] Sa hampas ng alon Sa agos ng daang-taon Patuloy kayong gumagapang Yapos-yapos ng putikan Subalit sa laot Laya niyo'y natitikman Lumulutang, sumisisid Sa kailalim-laliman [Verse 3] O manong pawikan Ako sana'y turuan niyo Kung ano ang paraan Na ang mabigat ay gumagaan [Verse 4] Manong, manong pawikan Tayo ba'y magkaangkan Ako ma'y may tahanan Subalit walang mapaglagyan [Verse 5] Ang lupang namalayan ko'y Punung-puno ng bakuran Na lalong pinatibay Ng titulo't kasulatan O manong pawikan Di ko maintindihan Ang lupang pinanggalingan ko Ngayo'y ari-arian [Verse 6] O manong pawikan Ako sana'y turuan niyo Kung ano ang paraan Na ang mabigat ay gumagaan [Outro] Ah ah ah

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala