Magkabilaan

Lyrics
[Verse 1] Ang katotohanan ay may dalawang mukha Ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba May puti, may itim, liwanag at dilim May pumapaibabaw at may sumasailalim [Verse 2] Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init Kapag nawala ang isa, ang isa'y 'di mababatid Ang malakas at ang mahina'y magkapatid [Chorus] Magkabilaan ang mundo Magkabilaan ang mundo Magkabilaan ang mundo [Instrumental Break] [Verse 3] Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan Ang nagpapakain, walang laman ang tiyan Ang nagpapanday ng gusali at lansangan Maputik ang daan tungo sa dampang tahanan [Verse 4] May mga haring walang kapangyarihan Mayroon ding alipin na mas malaya pa sa karamihan May mga sundalo na sarili ang kalaban At may pinapaslang na nabubuhay nang walang hanggan [Chorus] Magkabilaan ang mundo Magkabilaan ang mundo Magkabilaan ang mundo [Instrumental Break] [Verse 5] May kaliwa't may kanan sa ating lipunan Patuloy ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban Pumanig ka, pumanig ka, huwag nang ipagpaliban pa Ang 'di makapagpasiya ay maiipit sa gitna [Verse 6] Bulok na ang haligi ng ating lipunan (Magkabilaan ang mundo) Matibay ang pananalig na ito'y palitan (Magkabilaan ang mundo) Suriin mong mabuti ang iyong paninindigan (Magkabilaan ang mundo) 'Pagkat magkabilaan ang mundo (Magkabilaan) [Chorus] Magkabilaan ang mundo (Ang mundo'y magkabilaan) Magkabilaan ang mundo (Oh) Magkabilaan ang mundo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala