Araw

Lyrics
[Verse 1] Mabuti pa ang bulalakaw Sa puso mo'y agad pumukaw Dumaan lang saglit Hindi na nawaglit Sa iyong alaala [Pre-Chorus] Minsan kailangang magtago sa ulap Na parang naglaho Dahil kahit naman ako'y nasa harap May ibang kislap pa rin na hinahanap [Chorus] Hindi man bituin sa'yong paningin Liwanag ko'y ibibigay pa rin Dahil ikaw ang aking mundo at ako ang araw mo Piliin mo man ang gabing madilim Umaga'y naghihintay pa rin [Verse 2] Mabuti pa ang mga tala Lagi mong tinitingala Samantalang sa'kin ni 'di makatingin Nang diretso [Pre-Chorus] Minsan kailangang magtago sa ulap Na parang naglaho Dahil kahit naman ako'y nasa harap May ibang kislap pa rin na hinahanap [Chorus] Hindi man bituin sa'yong paningin Liwanag ko'y ibibigay pa rin Dahil ikaw ang aking mundo at ako ang araw mo Piliin mo man ang gabing madilim Umaga'y naghihintay pa rin [Bridge] Sa liwanag ng buwan na lang ipapaalam Na kasama mo ako kahit sa kadiliman Magtatampo, paminsan-minsan Magkukubli sa likod ng ulan Kahit paulit-ulit na talikuran Nandito lang ako, hinding hindi lilisan [Chorus] Hindi man bituin sa'yong paningin Liwanag ko'y ibibigay pa rin Dahil ikaw ang aking mundo at ako ang araw mo Piliin mo man gabing madilim Umaga'y naghihintay pa rin Dahil ikaw ang aking mundo At ako ang araw mo, ako ang araw mo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...