Pag-Aalay Ng Sarili

Lyrics
[Verse 1: Sr. Susay Valdez, rc] Panginoong Hesus, ako ay nakikiisa Sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang 'Sangkatauhang pag-aalay Iniaalay ko ang aking sarili Sa bawat araw ng aking buhay At sa bawat sandali ng bawat araw Ayon sa 'Yong pinakabanal at kagalang-galang na kalooban [Verse 2: Sr. Susay Valdez, rc and Sr. Bubbles Bandojo, rc] Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan (Ikaw ang aking kaligtasan) Nais kong ako'y maging alay ng 'Yong pag-ibig (Nais kong ako'y maging alay ng pag-ibig) [Chorus: Sr. Susay Valdez, rc and Sr. Bubbles Bandojo, rc] Tanggapin Mo ang aking ninanasa Kunin Mo ang aking handog Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso Ay maging tanda [Outro: Sr. Susay Valdez, rc and Sr. Bubbles Bandojo, rc] Ng isang wagas na pag-ibig (Ng isang wagas na pag-ibig) Ng isang wagas na pag-ibig (Ah, pag-ibig)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Coring Dolor
- Lionel Valdellon