Kalaro Lamang

Lyrics
[Verse 1] Tutol ang isip ko, maling-mali ito Ngunit nananaig hiyaw ng puso ko Bakit sa isang may pananagutan Nahulog ang aking kabuoan [Verse 2] Tingin ng kapwa ko ay 'di ko maharap Sa kanilang isipan, ako'y isang hangal Mga bato nila'y tatanggapin Ngunit puso pa rin ang susundin [Chorus] Kalaro ang turing sa akin Hanggang doon lang, 'di puwedeng ibigin Kalaro, kay hirap isiping Siya'y aking mahal, 'di puwedeng maging akin [Verse 3] Maaalala lang kung may kalungkutan Subalit babalik sa kanyang tahanan Lagi na lamang bang maghihintay Sa konting oras niyang ibibigay? [Chorus] Kalaro ang turing sa akin Hanggang doon lang, 'di puwedeng ibigin Kalaro, kay hirap isiping Siya'y aking mahal, 'di puwedeng maging akin [Bridge] Sa kabila nito, ako ay may saya 'Pag siya ay kalaro, lahat ay limot ko na [Chorus] Kalaro ang turing sa akin Hanggang doon lang, 'di puwedeng ibigin Kalaro, kay hirap isiping Siya'y aking mahal, 'di puwedeng maging akin Kalaro ang turing sa akin Hanggang doon lang, 'di puwedeng ibigin Kalaro, kay hirap isiping Siya'y aking mahal, 'di puwedeng maging akin [Outro] Kalaro ang turing sa akin Hanggang doon lang, 'di puwedeng ibigin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jose Ariel Pagsibigan