Hatinggabi

Lyrics
[Verse 1] Buhay ko'y sumigla nang ika'y makilala Bawat araw ko'y anong saya 'pag ika'y kasama Wala nang hihigit pa sa 'yong pinadarama Nabuhay nang muli ang aking pag-asa [Pre-Chorus] Pagsapit ng gabi, ako'y nangangamba 'Pagkat maya-maya pa ay magpapaalam ka na Lagi na lang bang ganito? Laging uhaw sa 'yo Kapag wala ka na, paano na ako? [Chorus] Hatinggabi ay ang sandaling hinihintay Limutin sana natin ang lahat 'Pagkat ito ay oras ng pagmamahalan Hatinggabi sa akin ay lungkot ang taglay Pag-ibig na aking inaasam Sana'y walang hanggan [Verse 2] Pagsapit ng gabi, ika'y 'di mapakali Magpapaalam na, 'pagkat naghihintay na siya [Pre-Chorus] Lagi na lamang ganito, umaasa sa 'yo Paano na lang ang buhay ko? [Chorus] Hatinggabi ay ang sandaling hinihintay Limutin sana natin ang lahat 'Pagkat ito ay oras ng pagmamahalan Hatinggabi sa akin ay lungkot ang taglay Pag-ibig na aking inaasam Bakit hanggang do'n lang? [Instrumental Break] [Chorus] Oh, hatinggabi ay ang sandaling hinihintay Limutin sana natin ang lahat 'Pagkat ito ay oras ng pagmamahalan Hatinggabi nang ako'y inibig mong tunay Tangi kong hiling sa Maykapal Sana'y walang hangganan [Outro] 'Pagkat ang aking pag-ibig sa 'yo'y pang-habang-buhay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Menchu Apostol
- Robby Tarroza