Hagdan

Album cover art for "Hagdan" by Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado - Pop, Philippines

Hagdan

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Nagsimula ang lahat sa pangarap ng mga tala Akala ko'y 'di makakamtan Maraming 'di naniwala, isa-isang pinahanga Kahit ano inilaan [Pre-Chorus] At lahat ng hirap na nagdaan Iba't-iba ng laban Tapos ng nakaraan [Chorus] Hey, oh, sabay-sabay tayo sa paglakbay Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay Oh, abot saan, taas nitong hagdan? Kahit magkamali, akyat lang nang akyat hanggang [Post-Chorus] (Ooh, ooh) Matapos ang hagdan (Ooh, ooh) Matapos ang hagdan [Verse 2] Mga dalangin noon ay katotohanan ngayon May mga pasakit ring nagdaan Sa dami ng natutunan, sapat na nga ba o kulang Ang nagawa at nakamtan? [Pre-Chorus] At ngayon, ang hirap dumaraan Ibang-iba ng laban Ba't 'di namamalayan? [Chorus] Hey, oh, sabay-sabay tayo sa paglakbay Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay Oh, abot saan taas nitong hagdan? Kahit magkamali akyat lang nang akyat hanggang [Post-Chorus] (Ooh, ooh) Matapos ang hagdan (Ooh, ooh) Matapos ang hagdan [Bridge] Ano man ang mangyari Sa bukas ay 'di na hawak ng mga kamay Kung kailangan ulitin ay gagawin kahit na mapagod sa lakbay [Chorus] Oh, sabay-sabay tayong magtagumpay Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay Oh, abot saan, taas nitong hagdan? Kahit magkamali akyat lang nang akyat hanggang [Outro] Masdan mo ang hakbang, akyatin ang hagdan Masikip, makitid, maraming pasakit sa ating buhay Ano man ang hadlang, tahakin ang daan 'Wag na 'wag titigil hangga't 'di matapos ang hagdan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Brian Lotho