Wala Nang Iba

Lyrics
[Verse 1] May kirot sa 'king puso May lungkot sa buhay na ito May pag-uusig at panunukso Ama'y 'di kakayanin kung pababayaan Mo [Verse 2] Ang buhay dito sa mundo Tigib ng sakit at siphayo Sa bawa't luha na tumutulo Tinatawag ko sa t'wina ang banal na ngalan Mo [Chorus] Wala na ngang ibang maaasahan pa Kundi Ikaw aming Ama Ang hirap ng puso't lahat ng pangamba Sa 'Yong kamay Panginoon, itinitiwala [Verse 3] Ito man ang naging palad Kahit na laging hinahamak Sa pangako Mo ay nanghahawak Bagong langit mararating, sa awa Mo at paglingap [Chorus] Wala na ngang ibang maaasahan pa Kundi Ikaw aming Ama Ang hirap ng puso't lahat ng pangamba Sa 'Yong kamay Panginoon, itinitiwala [Chorus] Wala na ngang ibang maaasahan pa Kundi Ikaw aming Ama Ang hirap ng puso't lahat ng pangamba Sa 'Yong kamay Panginoon [Outro] Sa 'Yong kamay Panginoon Sa 'Yong kamay Panginoon, itinitiwala Salamat Ama
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Daniel Razon