Sa Duyan Ng Pag-Ibig

Lyrics
[Non-Lyrical Vocals] [Verse 1] Sa duyan ng iyong pag-ibig Doon lamang mahihimbing Ang puso kong nalunod sa dilim Dahil sa huwad na pag-ibig [Verse 2] Sa duyan ng iyong paglingap Doon lamang mahihimlay Puso kong naanod ng ulan Palayo sa 'yo, o, aking buhay [Chorus] Kay rami nang kandungang nagbigay ng kasiyahan Ngunit dulot na aliw ay palara lang Walang hanggang ligaya at walang hanggang pag-asa Sa 'yo ko lang nakita, lagi kong alaala [Instrumental Break] [Verse 2] Sa duyan ng iyong paglingap Doon lamang mahihimlay Ang puso kong naanod ng ulan Palayo sa 'yo, o, aking buhay [Chorus] Kay rami nang kandungan nagbigay ng kasiyahan Ngunit dulot na aliw ay palara lang Walang hanggang ligaya at walang hanggang pag-asa Sa 'yo ko lang nakita, lagi kong alaala [Verse 3] Sa duyan ng 'yong pag-ibig doon ako matatahimik Ang puso ko ngayo'y nananabik Na magkaisa puso't kaluluwa nating dalawa, sinta Sa duyan ng 'yong pag-ibig doon ako matatahimik Ang puso ko ngayo'y nananabik Na magkaisa puso't kaluluwa nating dalawa Sa duyan mo, sinta [Outro] Ah-ah-ah, ah-ah-ah [Non-Lyrical Vocals]
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Willy Cruz