Gaya Ng Dati

Lyrics
[Verse 1] Dati-rati, laman ng puso mo ay ang pangalan Ko Lagi ako sa isip mo Dati-rati, inaawitan pa, labi ay may ngiti Mga mata'y nagniningning [Refrain] Ngunit ngayon, nagbago ka Nasa'n na ang init ng pagsinta Pangako mo'y hindi magwawakas [Verse 2] 'Di ba't noon, samyo ng bulaklak At ihip ng hangin ay kapansin-pansin 'Di ba't noon, takbo ng oras ay 'di mo napapansin Laging naglalambing [Refrain] Ngunit ngayon, naglaho na Sigla't tamis ng iyong pagsinta Pagmamahal Ko ba'y kailangan pa? Oh-oh-oh, ooh-oh, oh [Verse 3] Dati-rati, mga pangako mo'y panindigan mo't lakas Sa pagsubok ay kay tatag 'Di ba't noon, sa kaibigan mo'y Ako ay bukambibig Bakit ngayo'y anong lamig? [Chorus] 'Di mo alam, Ako'y nasasaktan Sa 'di pagpansin sa Aking pagmamahal Lumapit ka't Ako'y naghihintay Naghihintay, oh-ooh-oh [Post-Chorus] Ako'y naghihintay Lumapit ka't Ako'y naghihintay [Pre-Chorus] 'Di ba't noon Ang sabi mo'y walang hanggan? [Chorus] Hindi mo alam, Ako'y nasasaktan Sa 'di pagpansin sa Aking pagmamahal Lumapit ka't Ako'y naghihintay [Verse 4] Panginoon, ako'y nabulag ng mandarayang mundo Ako ay patawarin Mo Mula ngayon, ang buhay kong ito'y iaalay ko sa 'Yo Gamitin Mo ako gaya ng dati hmm, hmm [Outro] Gaya ng dati
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Al Termulo