Nariyan Pa Rin

Album cover art for "Nariyan Pa Rin" by Jan Casey

Jan Casey - Pop

Nariyan Pa Rin

2 Plays

Duration: 5:12

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Ang puso ko'y umaasa tayo'y muling magkikita May araw na mawawala ang luha sa aking mata 'Pagkat ako'y nangulila nang araw na lumisan ka Nguni't nagtitiwala sa pag-ibig ng Dios Ama [Verse 2] Lagi akong magsisikap makagawang buong sipag Matapos ang aking takbo at makapagwakas Pangarap ko na makita si Hesus na nililiyag Na Siyang iyong itinurong lalakarang dating landas [Chorus] Alaalang nagbabalik pangangaral mo sa 'min Wala kaming magagawa kung si Hesus 'di kapiling Kaya't bilin mong palagi, utos Niya'y aming sundin Na kung ika'y mawawala, Siya'y laging nariyan pa rin [Verse 3] Masakit man sa 'king puso ang biglaan mong paglisan (paglisan) Pag-asa'y 'di nawawala, ika'y nagpapahinga lang Muli nating itutuloy ang paggawang nasimulan Kung ako'y papalarin na Kaniyang kaawaan [Chorus] Alaalang nagbabalik pangangaral mo sa 'min Wala kaming magagawa kung si Hesus 'di kapiling Kaya't bilin mong palagi (kaya't bilin mo) Utos Niya'y aming sundin (utos Niya'y aming susundin) Na kung ika'y mawawala, Siya'y laging nariyan pa rin (Siya ay laging nariyan pa rin, ooh) [Post-Chorus] Kung dumating na ang araw na ako na ang papanaw Ang dalangin ko sa Ama para sa 'king maiiwan Aral ng Dios na dalisay ang palaging panghawakan Kung lahat man ay mawala, Siya'y palaging nariyan lang

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Daniel Razon