Bagyo

Lyrics
[Verse 1] Naririnig, kay lakas ng pintig Nagbabalik, hangi'y sumasaglit Sumisigaw, sana ngayo'y mawaglit Umuusbong, tila bumubulong May bagong hatid ang pagkakataon Pagbibigyan o hahayaan na lang [Pre-Chorus] Sabi ng isip, huwag nang tanggapin Sabi ng puso'y muling mahalin [Chorus] O bagyo, bakit hanggang ngayo'y naririto? Bakit 'di magawa ang lumayo? 'Di matanto, o bagyo Maari na bang buksan ang puso ko Wala na nga bang pag-asang matanaw? Bagong araw, o bagyo [Verse 2] Sumisilip kahit sa panaginip Huwag ipagkait, konting liwanag mo Na sasagip, turuan muling umibig [Pre-Chorus] Sabi ng isip, huwag nang tanggapin Sabi ng puso'y muling mahalin [Chorus] O bagyo, bakit hanggang ngayo'y naririto? Bakit 'di magawa ang lumayo? 'Di matanto, o bagyo Maari na bang buksan ang puso ko Wala na nga bang pag-asang matanaw? Bagong araw, o bagyo [Outro] Unti-unting ika'y naglalaho Upang bigyang daan, bagong araw Natatanaw, o bagyo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Agat (PHL)