Kahit Umiwas Pa

Lyrics
[Verse 1] 'Di maintindihan ang puso kong ito Nang nakita ka muli, ito'y napahinto Naaalala pa ating kahapon na kay saya't kay ganda ng pagsasama [Verse 2] Tanging ikaw lang sa puso't isipan ko Pilit limutin man kita, ako'y nabibigo Umibig man muli 'Di nagwawagi Tamis ng 'yong halik aking minimithi [Chorus] Kahit umiwas pa Ikaw pa rin sinta Ang siyang hinahanap-hanap ng puso ko Higpit ng yakap mo, laging inaasam 'Di na malilimutan magpakailanman [Verse 3] 'Di ko masabi ang aking nadarama Sapagkat baka ako'y limot mo na Nawala na rin dating pagtingin At tuluyan nang sinara ang puso mo sa akin [Chorus] Kahit umiwas pa Ikaw pa rin sinta Ang siyang hinahanap-hanap ng puso ko Higpit ng yakap mo, laging inaasam 'Di na malilimutan magpakailanman [Bridge] Kahit pa sabihing mayro'n nang iba 'Di mapipigilan ang nadarama Maaasahan mong ako ay maghihintay Ang pag-ibig ko sa'yo'y walang hanggan [Instrumental] [Chorus] Kahit umiwas pa Ikaw pa rin sinta Ang siyang hinahanap-hanap ng puso ko Higpit ng yakap mo, laging inaasam 'Di na malilimutan magpakailanman (magpakailanman) Kahit umiwas pa Ikaw pa rin sinta Ang siyang hinahanap-hanap ng puso ko Higpit ng yakap mo, laging inaasam 'Di na malilimutan magpakailanman Kahit umiwas pa Ikaw pa rin sinta Ang siyang hinahanap-hanap ng puso ko Higpit ng yakap mo, laging inaasam 'Di na malilimutan magpakailanman
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Edward Lamberte