’Wag Na Lang Pala

Lyrics
[Verse 1] Pa'no, pa'no ko sasabihin? Pa'no, pa'no ko ba sisimulan Na aminin ang lahat ng nasa dibdib? Maintindihan mo kaya o magalit sa akin? [Verse 2] Kaya, kaya mo kayang tanggapin Mga sikretong matagal ko nang kinikimkim? Pagpasensiyahan mo na, mahirap lang talaga Sabihin ang lahat ng nadarama [Chorus] Ikaw ang mahal, wala nang iba Mula noong una pa tayong nagkakilala Sana'y iyong maintindihan at 'wag akong layuan Hindi ko lang mapigil ang nararamdaman [Verse 3] 'Di na, oh, hindi ko na malilihim Sigaw ng puso at ng aking damdamin Kung aaminin ko na, matatanggap mo ba 'Pag sinabi nang lahat ng nadarama? [Chorus] Ikaw ang mahal, wala nang iba Mula noong una pa tayong nagkakilala Sana'y iyong maintindihan (Maintindihan) At 'wag akong layuan (Wag akong layuan) Hindi ko lang mapigil ang nararamdaman [Bridge] Pilit mang itigil Sigaw nitong damdamin Maintindihan kaya Kung sakaling malaman na [Chorus] Ikaw ang mahal, wala nang iba Mula noong una pa tayong nagkakilala Sana'y iyong maintidihan at 'wag akong layuan Hindi ko lang mapigil Ikaw ang mahal no'ng una pa lang Kahit na alam ko na ako sa 'yo ay kaibigan lang 'Pag malaman mo ba, matatapos na? Hindi ko kayang mawala ka Kaya 'wag na lang pala [Outro] 'Wag na lang pala (Wag na lang pala) Ooh (Wag na lang pala) 'Wag na lang pala (Wag na lang pala)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ice Seguerra
- Liza Diño