May Minamahal

Album cover art for "May Minamahal" by Hajji Alejandro

Hajji Alejandro - Pop, Pinoy Ballad

May Minamahal

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] May minamahal Bawat taong may damdamin May minamahal Tulad mo at tulad ko Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig At ngayo'y nagmamahalan nang tapat [Verse 2] 'Pag nagmamahal Bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis Bawat oras ay mayro'ng Kasaysayang anong sarap, anong tamis (Anong tamis) Maligaya nga ang taong nagmamahal [Chorus] Kaya't ako'y napaligaya Ng tunay mong pagmamahal Ang lahat ng kagandahan ay nasa 'yo Ningning ng mata (Ningning ng mata) Lambot ng labi At ugaling walang kapintasan Nababalot ng alindog Katawang tunay [Verse 3] 'Pag minamahal Kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina Nakayapak sa ulap Buong mundo'y nagagalak Na mayroong (Na mayroong) Nagtatalik na dal'wang pusong nagmamahal [Chorus] Kaya't tayo'y magpasalamat Sa ating kapalaran Nasa atin ang kaganapang hinahanap Ng bawat nilalang na may puso rin Dahil tayo'y hindi magbabago Hanggang may buhay [Verse 1] May minamahal Bawat taong may damdamin May minamahal Tulad mo at tulad ko Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig [Chorus] Kaya't habang may pag-asa kayo Humanap ng pag-ibig na totoo Saka lang liligaya Kung mayroon nang tunay na minamahal [Verse 1] May minamahal Bawat taong may damdamin May minamahal Tulad mo at tulad ko Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig [Chorus] Kaya't habang may pag-asa kayo Humanap ng pag-ibig na totoo Saka lang liligaya (Saka lang liligaya) Kung mayro'n nang tunay na minamahal [Verse 1] May minamahal Bawat taong may damdamin Ay may minamahal Tulad mo at tulad ko Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig [Chorus] Kaya't habang may pag-asa kayo Humanap ng (Humanap ng) pag-ibig na totoo Saka lang liligaya (Saka lang liligaya) Kung mayro'n nang tunay na minamahal [Outro] (Kung may tunay) Na minamahal

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Willy Cruz