Pagod

Lyrics
[Verse 1] Nakakapagod rin palang Umibig ng walang alam kung mapagbibigyan Hindi ko maintindihan, sa'n ba nagkukulang? Madali lang ba 'kong tanggihan? [Chorus] Kung una pa lang ay nalamang walang pupuntahan Hindi na sana nasayang ang ilang taong tayo'y naghabulan Dapat hindi na ninais, ikaw ay makamtam ng isipan kong nalinlang Sa mga salitang wala namang kahulugan, kahulugan [Verse 2] Lahat, lahat binibigay Makamit mo lang ang tangi mong inaasam Ngayong ika'y nakaangat Iniwan mo ako, mapasaya lang ang lahat [Chorus] Kung una pa lang ay nalamang walang pupuntahan Hindi na sana nasayang ang ilang taong tayo'y naghabulan Dapat hindi na ninais, ikaw ay makamtam ng isipan kong nalinlang Sa mga salitang walang laman [Bridge] Nakakapagod rin palang Umibig ng walang hinihintay na kapalit [Outro] Aking nilaban ang bawat linggong dumaraan Kung mababalik ang kahapon ay pipilitin kong hindi na makialam Hindi matanggap na ako ang nagsisilbing hadlang Lingid sa kaalaman na mauuwi lang tayo sa iwanan, iwanan Iwanan, iwanan, ooh-woah
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rodolfo Guerrero