Ang Puso Ko’y Nagpupuri

Lyrics
[Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 1] Sapagkat nilingap Niya, kababaan ng Kanyang alipin Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 2] Sapagkat gumawa ang Poon ng mga dakilang bagay Banal sa lupa't langit ang pangalan ng Panginoon [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 3] At kinahahabagan N'ya ang mga Kanya'y may takot At sa lahat ng salinlahi, ang awa N'ya'y walang hanggan [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 4] At ipinakita N'ya ang lakas ng Kanyang bisig At ang mga palalo'y pinangalat ng Panginoon [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 5] Ibinulid sa upuan ang mga makapangyarihan Itinampok, itinaas ang mga mababang loob [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 6] At Kanya namang binusog ang mga nangagugutom Pinaalis, walang dala, ang mayamang mapagmataas [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 7] Inampon N'ya ang Israel na Kanyang aliping hinirang Sa dakila N'yang pagmamahal at dala ng laking awa N'ya [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 8] Ayon sa ipinangako N'ya sa ating mga magulang Kay Abraham at lipi n'ya at ito sa magpakailanman [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas [Verse 9] Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman [Chorus] Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa'king Tagapagligtas
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Eduardo Hontiveros SJ