Kahit sa Sulok Lang

Lyrics
[Chorus] Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso Basta't Ikaw ay kapiling sa banal na Bayan Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo [Verse 1] Naghihintay, nanabik, sa Iyong pagbabalik Isang libong taon, laging nasa isip Abutin man ako ng aking pagpikit Umaasang ididilat, sa unang pagtindig [Verse 2] Pagibig Mo'y siyang gabay, sa tuwina'y aalalay Ikaw ang patnubay, sa 'king paglalakbay Laging nakabantay, hawak aking kamay Upang hindi mapawalay, sa 'Yong pagmamahal [Chorus] Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso Basta't Ikaw ay kapiling sa banal na Bayan Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo [Verse 3] Salamat ang tanging ganti, dahil Ikaw ay mabuti 'Di Ka nagtatangi, anoman ang lahi Ako'y kinandili, tinawag, pinili Ang alay na pagpapuri ang maisusukli [Chorus] Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso Basta't Ikaw ay kapiling sa banal na Bayan Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo [Outro] Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Daniel Razon