Walang Pumapalakpak

Album cover art for "Walang Pumapalakpak" by Gloc-9 & Gary Valenciano

Gloc-9 & Gary Valenciano - Rap, Hip-Hop

Walang Pumapalakpak

2 Plays

Duration: 4:28

View Album

Lyrics

Language:

[Chorus: Gary Valenciano] Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak [Verse 1: Gary Valenciano] Madaming ulit kang madadapa Bumangon ka agad Mga mata mo na luhang-luha Sa lungkot ay nasagad Ilang beses man na mawala Huwag kang mapagod maghanap Walang tigil kang tumataya Baka sakaling maganap Ang iyong pinakahihintay Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw At ang tanging alam mo lamang ay Walang pipigil sa 'yong lakad at galaw [Chorus: Gary Valenciano] Basta't awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak [Verse 2: Gary Valenciano] Hindi nila kailan man mararamdaman Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan Hindi sila kailan man mahahapdian Bawat hiwa sa paa, tibo na tinungtungan [Refrain: Gary Valenciano] Dahil ang katunggali mo lang sa laban Ay walang iba kundi ikaw At ang puwede mong maging kasalanan Ay ang bumitaw at umayaw Kahit na walang tugtugin, ay handa kang sumayaw Alang-alang sa pangarap mo [Verse 3: Gloc-9, Gary Valenciano] Naaalala ko pa dati kulang ang pamasahe Wala ka pang hapunan, busog lang sa diskarte Basta't alam ko lang ang aking magiging imahe Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase Kahit 'di nananalo, 'di ko batid ang talo Inipon ang lahat ng binigay sa 'king balato Kung saan-saan dumapo, buti na lang gala 'to Wala ka daw mararating 'pag 'di mo tiyinaga 'to Kay daling sabihin, hindi madaling gawin Kailangan mong mahanap pero bawal tumingin Kilalanin ang sarili mo kahit nasa dilim Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin Itutulak ka nila, madalas pababa Papahiran ng lahat ng puwedeng dungis sa mukha Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura 'Pag kumita ka sila pa ang unang nakakura Maniwala ka sa 'kin kahit na gusto mo nang sumuko Lahat ng 'yong mga pinaghirapa'y gumuho Huwag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho Pakinggan lamang ang binubulong ng 'yong puso Uso daw kasi kaya 'di ka napili Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi Pag 'di mo nagawa iwasan mo ang manisi Ipahinga mo lamang ang likod mo sa haligi [Refrain: Gary Valenciano] Dahil ang katunggali mo lang sa laban Ay walang iba kundi ikaw At ang puwede mong maging kasalanan Ay ang bumitaw at umayaw Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw Alang-alang sa pangarap mo [Chorus: Gary Valenciano] Basta't awit ka nang awit Awit ka nang awit (Awit nang awit) Kahit walang pumapalakpak (Walang pumapalakpak) Awit ka nang awit (Awit nang awit) Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak (Kahit walang pumapalakpak) Awit ka nang awit (Awit nang awit nang awit) Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak (Kahit walang pumapalakpak) Awit ka nang awit (Awit, awit ka nang awit) Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9