TRPKNNMN

Album cover art for "TRPKNNMN" by Gloc-9 & Agsunta

Gloc-9 & Agsunta - Rap, Philippines

TRPKNNMN

0 Plays

View Album

Lyrics

Language:

Pagod sa trabaho, makulit na amo Wala pang sweldo baon ko di aabot paano Ko pagkakasyahin pengeng malupit na plano Sahod na parang nakahingi ka ng balato Disgrasya demo-demokrasya Dito sa bayan na karangyaa'y madalas na pinapantasya Lumang sapatos na pilit mong pinapagkasya Pangarap na di mo mapaliit ang distansya Na maabot, oy alas singko na pala Makabyahe na para di makasabay ang iba Sa kalsada na palagi na lamang halabira Mga maling sulat ng lapis pero di mo mabura Gano na ba kahaba ang pila sa LRT Sana nama'y hindi na tumirik ang MRT Ingat baka madukutan ka pa ng Iphone 3 Ito ang 'sang dinadaing araw man o gabi Gusto ko nang umuwi Gusto ko nang umuwi Araw araw na lang ganito mula sa Monumento Lalo hanggang sa Quiapo Crossing ilalim, ibabaw nasan ka na raw Nasa Cubao nilalangaw Gusto ko nang umuwi Gusto ko nang umuwi Kaso trapik na naman Paulit-ulit ulit ulit ulit ulit ulit Na inuukit ukit ukit ukit ukit ukit Sa kukote na patuloy yata na kumikitid Tila mas may silbi pa ang sinulid kaysa sa Mga bibig na burara, mga kamay na bastos Sa sasakyang may kamao at may pangalan ng Diyos Ayaw ayusin ang sira, sisirain ang ayos Sila na nakaparada sa mga daan na kapos Tapos bawal magsakay, bawal magbaba Lahat ng bawal ginawa ang kapal ng mukha Dito po tayo tumawid pero nasa kabila Tapos nagtataka bakit di umuunlad ang bansa Hanggang baba na'ng pila ng tao sa LRT Lakad kasi tumirik na naman ang MRT May napatay na holdaper dahil sa Iphone 3 Ano ang lagi mong daing araw man o gabi Gusto ko nang umuwi Gusto ko nang umuwi Araw-araw na lang ganito mula sa Monumento Lalo hanggang sa Quiapo Crossing ilalim, ibabaw nasan ka na raw Nasa Cubao nilalangaw Gusto ko nang umuwi Gusto ko nang umuwi Kaso trapik na naman

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9