Tinta

Album cover art for "Tinta" by Gloc-9

Gloc-9 - Pop, Rap

Tinta

0 Plays

Duration: 3:30

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

Pwedeng asul Pwedeng itim Pwedeng pula Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta Ngayon sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta Ahh ahh ahh ahh ahh Ahh ahh ahh ahh ahh Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat Habang ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng damit sa poso Paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga Letra na parang petsa sa kalendaryo Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyaryo Nang sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo At hindi imbento na parang gamot ng albularyo Nag-aral, isa dalawa tatlong baytang sa elementarya Natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang nakasabit sa 'king leeg Kung hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos nya mamasada Lumipas ang mga taon, sinubukang lumikha Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula Ngunit may nagsabi sa akin 'Ris 'pag naro'n ka na Sabihin mo sa 'kin kung pa'no mo ginamit ang tinta Pwedeng asul Pwedeng itim Pwedeng pula Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta Ngayon sabihin mo sa akin, pa'no mo ginamit ang tinta Ahh ahh ahh ahh ahh Ahh ahh ahh ahh ahh Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo Papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat Ngunit sa 'yong isipan ay may nabubuong alamat Ng isang makatang laging titingalain ng lahat Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang Di mo hahayaang pigilan ang 'yong bawat hakbang Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay Ang mga pangarap mo ang syang sandata mong taglay At walang makakapigil, kahit minsan ay parang Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran Ngunit pagdating ng araw at naro'n ka na Sabihin mo sa 'kin kung pa'no mo ginamit ang tinta Pwedeng asul Pwedeng itim Pwedeng pula Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila Sila na syang makikinig at kakabisado ng kanta Ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta Ahh ahh ahh ahh ahh Ahh ahh ahh ahh ahh

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9