The Bobo Song

Lyrics
[Intro: Loonie] Lahat ng nakikita ko Lahat ng nakikita ko Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Nakaka, nakaka, nakaka-bobo [Verse 1: Gloc-9] Ang pinilakang tabing na sariling atin natabunan Ang mga telenovela na pinilit lang ang dubbing Walang palabas at mas madalas ang patalastas Sa aming telebisyon biglang naisip ko ang aking Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin Ako ay Pilipino sa isip at damdamin Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog 'Pag malapit na maluto ang sinaing Huminahon ka itay baka ka mabulunan Sa laki ng binayad mo wala 'kong natutunan Ni kapiranggot mula nung unang baitang Pumapasok lang ako para mangutang kay ma'am Ng pambili ng kanin, chicken adobo Araw-araw ganito, nakaka-bobo [Chorus: Loonie & Gloc-9] Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo [Verse 2: Gloc-9] Pulitiko na nasa showbiz, posible na pala Ang dami ng artista sa pulitika tanga Bobo, inutil, walang pinag-aralan Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan Uto-uto, sunod-sunuran Sa kung anumang makita ng mata Upang mapansin ka ng madla Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu Mga chismis na nahuli na nang isang dekada May pelikula kaya ngayon sila'y magsyota Da who itong starlet na sa banyo nadulas 'Wag na 'wag mong ililipat susunod na sa the buzz 1 2 3 teka lang nauna me Makakakita ka nang mga natapakan sa TV Habang kumakain ng kanin, chicken adobo Ayoko ng ganito nakaka-bobo [Chorus: Loonie & Gloc-9] Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo [Post-Chorus: Gloc-9] Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit 'Kala mo alam mo 'to, 'kala mo alam mo yan 'Kala mo porket Tagalog, puro lang kabaduyan 'Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang 'Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam [Verse 3: Gloc-9] Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama Maghapon ka sa TV mo na nakatunganga Nakapangalumbaba simula pa nung bata 'Di naman importanteng magpakadalubhasa Ang akin lang naman ikaw ay maliwanagan 'Wag na 'wag mong gagawing dahilan ang kahirapan Maniwala, pero wag umasa sa himala Wala pang nananalo sa lotto na 'di tumataya Kaya't palayain mo ang utak mong nakakulong Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong Kung ang pag-iisip, para sayo'y nakakangawit Ibenta mo ang utak mo kung 'di mo ginagamit Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao Pilipino lang ako 'pag nananalo si Pacquiao 'Pag narinig ko ang kanin, chicken adobo Nakaka-indak kahit nakaka-bobo [Chorus: Gloc-9 & Loonie] Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo Kahit nakapikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo [Post-Chorus: Gloc-9] Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit 'Kala mo alam mo 'to, 'kala alam mo yan 'Kala mo porket Tagalog, puro lang kabaduyan 'Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang 'Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam [Outro] Bobo!
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9