Tao

Lyrics
Ang awiting ito'y para sa lahat ng minahal natin Ito'y para rin sa lahat ng mga nagmahal sa atin Tulad ng isang ibon, tao ay lumilipad Pangarap ang tanging nais Na marating at matupad Bakit pa luluha? Bakit maghihirap? Ayaw mang mangyari Ay 'di masasabi Minsan tayo ay nalilibang 'Di natin napapansin Oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin Sana'y nasabi ko, sana'y nalaman nya Sana'y nung giniginaw ay hawak ko ang palad nya Ngunit naisip ko, ngayon ay mas dinig Kahit isang bulong, kahit na isang pintig Ang puso 'pag sinabi mong sya'y mahalaga Asahan mong sayo'y ganun din ang kanyang nadarama Isip ay nalilito, 'pag nakakita ng bago Lahat ng bagay sa mundo Ay isang malaking tukso Sasaktan mo lamang Puso ay huwag sugatan Ito'y laro lamang Sa mundong makasalanan Matapos ang lahat Isa lang ang aking napatunayan Huwag mong hayaan na parang alikabok sa lansangan Na nililipad-lipad at tuluyan nang mapahalo 'Pag umula'y magiging putik, sa kanal na bumabaho Sabi nga nila ang buhay ay siguradong hindi Lahat ay nakatakda, pero 'di ka pwedeng mamili At kung merong pagkakataon, mahigpit mong yakapin Dahil baka bukas sayo'y bigla lang agawin Tubig ay natutuyo Bulaklak ay nalalanta Araw ay lumilipas Sa gabi rin ang punta Sasaktan mo lamang Puso ay huwag sugatan Ito'y laro lamang Sa mundong makasalanan Salamat sa pagkakataong kayo ay nakasama Salamat sa mga araw, may luha man o tawa Salamat dahil nalaman ko ang aking pagkukulang Pero sa kabila nito, ako'y 'di mo kinalimutan Salamat dahil ako'y tinuring mong kaibigan Salamat at hanggang sa susunod nating kamustahan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Sampaguita