Si Raul

Album cover art for "Si Raul" by Gloc-9

Gloc-9 - Rap, Pop

Si Raul

2 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

Naranasan mo na bang kumain ng walang nakahain Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan 'Di tinulungan, 'di mo akalain na tuluyan Kang matatapunan ng mga suliranin Naranasan mo na bang parang nakagapos ang mga braso Sa mga problemang kinakaharap ay lagi kang talo 'Di na alam ang iyong gagawin, sa putik ay sagipin Kung meron kang pagtingin aking palad ay abutin Tila hindi na tuluyan pa maubusan ng luha Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa Hindi na kayang tumingala Kailan makakawala Magkasing dami ng pagsubok Ang aking pagkadapa Kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay 'Di ko 'to ginusto pero mahaba na'ng aking sungay At ng hindi na madamay pa sa aking kamalasan Pilitin mong matakasan bago pa 'ko masiraan ng aking (Ulo) Bago pa ako masiraan ng aking (ulo) Ayoko mang masiraan ang aking (ulo) Bago pa ako masiraan ng aking (ulo) Bahala na masiraan ng ulo Naranasan mo na bang pawisan? Hindi mo pwedeng punasan Hindi mo pwedeng iwasan Hindi mo pwedeng labanan Hindi mo pwedeng gamitin Hindi mo pwedeng hipuin Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil Na laging hinahagupit ng amo kong malupit Nadarama kong sakit palaging nakapikit At pilit na tinitiis ang bawat hapdi Sa mga araw na laging kulang ka sa salapi At di mo na malaman kung kanino ka hihingi Kung minsan ay hindi mo na makuha pang ngumiti Pagkagising ay trabaho kung minsan ay namamaho Kasi butas na ang tabo wala pang tubig sa banyo Sinasabutan mo nang sarili langaw ay hinuhuli Pag mag-isa'y humuhuni nandyan sa tabi-tabi Gusto mo na sumigaw Gusto mo na bumitaw Sabihin mo sa akin bago pa ako masiraan ng aking (Ulo) Bago pa ako masiraan ng aking (ulo) Ayoko mang masiraan ang aking (ulo) Bago pa ako masiraan ng aking (ulo) Bahala na masiraan ng ulo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9