Salarin

Lyrics
[Intro: Bamboo Ma�alac] He-he-hey, yeah Oh, woah Hey yeah, yeah, yeah, yeah [Chorus: Bamboo Ma�alac] The dates go on, we down for sure But on my own (Now tell me everything's all right) I pay my own way, sold my soul We're on the clock (You tell me name my price) You reap what you sow, but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed I'll just do my time and take what's due me When tomorrow comes, it's just another day [Verse 1: Gloc-9] Mga daliring nakaturo, dugo na tumutulo Pangalang nakasulat sa maputik na dibuho Katanungan na mula pa sa ating mga ninuno Saan ba ang daan? Bakit hindi ninyo maituro? Kaing-kaing na hinaing, daang-daang daing Ang lunas ba'y imposible, parang dilat na bahing Lahat malinaw kahit bulag o mata'y nakapiring Parang ang daming doktor pero 'di gumagaling Ang bayan kong minamahal, ganito na lamang ba? Na ang iyong kaunlara'y dinaraanan ng iba? Sa kanila galing ang bigas, 'di ka ba nagtataka? Bakit meron pa ring nagugutom na magsasaka? Kamusmusang nasa lansangan, kayod kahit maalinsangan Patuloy sa pagdami, tila 'di nababawasan Ang problema, teka, kung gusto mo talagang malaman Ay sumama ka sa amin at subukan nating pagmasdan ang [Chorus: Bamboo Ma�alac] The dates go on, we down for sure (Now tell me everything's all right) I pay my own way, sold my soul (You tell me name my price) You reap what you sow, but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed I'll just do my time and take what's due me When tomorrow comes, it's just another day [Verse 2: Gloc-9] Silang mga nagiging biktima, tila dikit-dikit sila Leeg na ginilit, pinilipit kasi gipit sila Makuha lang ang perang inipon sa alkansya Sa isang kisapmata, pabilisang magpasya na ang Sa'yo ay akin, at ang sa'kin ay akin palagi Ganyan ang buhay na parang buhol-buhol na tali Kailangang dumiskarte, kailangang makabawi Kakapit sa patalim, walang baka-sakali Kasi walang trabahong makuha do'n sa amin At bihirang mapahiran ng mantika ang pagkain Hindi naman ako kinukulang sa panalangin O tinatamaan lamang ng aking suntok ay hangin Ngayo'y nakakulong, pero matagal ko nang nalaman Na ang katarungan daw ay para lang sa mayayaman Ang katotohanan ba ay gusto mong masilayan? Halika't sabay-sabay nating tingnan ang katibayan sa [Chorus: Bamboo Ma�alac, Gloc-9] The dates go on, we down for sure (Salamin) Had my own way, sold this soul (Salarin) You reap what you sow, but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed? I'll just do my time and take what's due me When tomorrow comes, it's just another day The dates go on, we down for sure (Salamin) Had my own way, sold this soul (Salarin) You reap what you sow, but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed I'll just do my time and take what's due to me When tomorrow comes, it's just another day [Bridge: Bamboo Ma�alac,Gloc-9] Fight or fly, or will we simply fade away? Tired of all the talking, we're still singing the same old songs Yet things haven't changed Bayad ko buhay ko, ba't gano'n? (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Bayad ko buhay ko, ba't gano'n? (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Bayad ko buhay ko, ba't gano'n? (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Bayad ko buhay ko, ba't gano'n? [Verse 3: Gloc-9] Mam�, bayad, bayad, utak kong sumayad Malakas ang hangin, baka nama'y walang layag Oo nang oo pero 'di naman pumapayag Mainit na tinapay na ang palaman ay amag Sa bayan na laging malakas ang mga bulong Kahit umusad ay tila 'di umiikot ang gulong Mga bulag at pipi, ang gamit lang ay ilong Bakit nangangamoy bulok ang inyong mga barong? [Outro: Gloc-9, Bamboo Ma�alac] (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Mam� bayad bayad, utak kong sumayad (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Malakas ang hangin, baka nama'y walang layag (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Oo nang oo pero 'di naman pumapayag (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Mainit na tinapay na ang palaman ay amag (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Sa bayan na laging malakas ang mga bulong (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Kahit umusad ay tila 'di umiikot ang gulong (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Mga bulag at pipi, ang gamit lang ay ilong (Bayad ko buhay ko, ba't gano'n?) Bakit nangangamoy bulok ang inyong mga barong?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9
- Bamboo Mañalac