Pison (Live)

Lyrics
[Band] Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc Malakas! [Chorus: Chito Miranda,band] Kahit ano mang mangyari, aking aabutin Mga tanong na sinabi, aking sasagutin Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin Kaya't 'wag kang haharang sa daraanan ng pison Ibang klaseng tunog 'pag dumating sa tugtugan Daraanan ng pison At umpugan hindi kayo magtutulog-tulugan Daraanan ng pison Narinig na'ng bagong gawa ni Chito at ni Gloc Daraanan ng pison 'Pag ika'y sami'y sumasang-ayon ay pumalakpak Daraanan ng pison Malakas [Verse 1: Gloc 9] Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit ng ganitong pamamaraan Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga Samantala para bang andami ang nag-uunahan Sino ba talagang pinakamabilis? Hindi naman mahalaga Tunay na tanong ay kung ga'no ka kagutom Mahawakan ang pangarap Mayakap malawak ang balak itarak ang itak Puso kong dumadagundong Kahit na anong mangyari, kailangang madali Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok Sige lang itulak mo ang kariton Kung di abot ikaw ay tumalon Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon Pawis na tumulo 'pag inipon mo galon-galon Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon Habulan sa tadhana pumikit lang ang pahinga Isaulo bawat letra, tandaan mo ang pahina O pahina', kumain na kayo nakahain na Pagmamahal na kailanma'y tinuro sa aking ina Kahit na kung minsan ay nagkakalatay kay tatay Ang kanyang mga payo ang sa akin ay siyang umakay Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay Tyagain mo lang [Chorus: Chito Miranda,band] Kahit ano mang mangyari, aking aabutin Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin Kaya't 'wag kang haharang sa daraanan ng pison Ibang klaseng tunog 'pag dumating sa tugtugan Daraanan ng pison At umpugan hindi kayo magtutulog-tulugan Daraanan ng pison Narinig na'ng bagong gawa ni Chito at ni Gloc Daraanan ng pison Kung ika'y sami'y sumasang-ayon ay pumalakpak Daraanan ng pison Malakas [Verse 2: Gloc 9] 'Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabahala Malubog sa putikan yapak ka lang Sagad mo lang kahit na ga'no kadambuhala Ang katunggali, sandali nga, hindi pa 'ko tapos Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos Paa'y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos Pati pato at panabla, sige! Ubos na kung ubos Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian Sa dami ng kalaban, 'di maiwasan ang sanggian Bigay-todo palagi, kaya malamang na mabalian Sa laro na bilang mo lang ang tunay mong kaibigan Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik Daanan mo ng daanan hanggang sa'yong madagit Kahit ika'y pagdudahan ng kaibigang matalik 'Wag mawalan ng pag-asa, pare tuloy pa rin si magic! [Chorus: Chito Miranda, band & Gloc-9] Kahit ano mang mangyari, aking aabutin Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin Kaya't 'wag kang haharang sa daraanan ng pison Ibang klaseng tunog 'pag dumating sa tugtugan Daraanan ng pison At umpugan hindi kayo magtutulog-tulugan Daraanan ng pison Narinig na'ng bagong gawa ni Chito at ni Gloc Daraanan ng pison Kung ika'y sami'y sumasang-ayon ay pumalakpak Daraanan ng pison Ng malakas! [Band] Bagong gawa ni Chito at ni Gloc Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9