Maleta

Album cover art for "Maleta" by Gloc-9 & Julie Anne San Jose

Gloc-9 & Julie Anne San Jose - Pop, Rap

Maleta

2 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Verse 1: Julie Anne San Jose] Ayoko na sa'yo Dahil lahat nang sinabi mo'y hindi totoo Ano ang plano mo? Kapag lahat ng binali ko'y sagad na sa buto Pero nakapagtataka Bakit mahal pa rin kita? O sadyang nakapagtataka? Dahil mahal pa rin kita [Chorus: Julie Anne San Jose, Gloc-9] Lumapit kahit na malayo ka Ang lahat ay ginawa, ano nga bang napala? Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa Kahit kaya pa'y paalam na 'Di ko makakaila kahit na sa kabila Ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula Lumapit kahit na malayo ka Ang lahat ay ginawa, ano nga bang napala? Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa Kahit kaya pa'y paalam na 'Di ko makakaila kahit na sa kabila Malay mo'y magkita pang muli [Verse 2: Gloc-9] Maleta sa pintuan na nakaabang Damit at mga alaalang siyang laman Mabigat mang buhatin ay aking pasan-pasan Matagal na pinag-isipan nang matuklasan Ang katotohanang 'di matago, madami nang nagbago Kahit malayo ay tanaw, malinaw 'di malabo Mahabang listahan ng mga 'di natupad na pangako Parang gamugamo sa ganda mo nakakapaso Nakakasilaw na parang ilaw ng jeep sa kalsada 'Di man sigurado ang kita ay namamasada Parang pagtingin mo sa'kin, pwede ka bang kausapin? 'Di ko sukat akalain mangyayari 'to sa atin Ang hirap mong hagilapin, laging laman ng dalangin Liham na sana'y meron ka pang oras na basahin Kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta 'Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita [Chorus: Julie Anne San Jose, Gloc-9] Lumapit kahit na malayo ka Ang lahat ay ginawa, ano nga bang napala? Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa Kahit kaya pa'y paalam na 'Di ko makakaila kahit na sa kabila Ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula Lumapit kahit na malayo ka Ang lahat ay ginawa, ano nga bang napala? Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa Kahit kaya pa'y paalam na 'Di ko makakaila kahit na sa kabila Malay mo'y magkita pang muli [Verse 3: Gloc-9] Bata pa nang makilala ka disi-otso anyos Niligawan kaya 'di muna ko nakatapos Malayo ang pagitan 'pag naiwan humahangos Mga paang nakagapos sa pawis naghihilamos Pero naabutan mailap na hayop napa-amo Hawak kamay nilakaran ang lupa sa malalayo Marami ang nagsabi na hindi raw mangyayari Na ang isang katulad ko ay ituturing mong hari At iyong mundo, lahat ng hirap ko'y napawi Kahit magulo, ilawan ng mga kamay hinawi Sa tagal ng pinagsamahan, dalawampung taon Ikaw ang nagpaalala sa'kin sino ako noon At ano ang meron nang aking mapuno ang balon At mga bangin na ako pa lamang ang tumalon Kaya kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta 'Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita [Bridge: Julie Anne San Jose] Ayoko na sa'yo Dahil lahat ng sinabi mo'y hindi totoo Ano ang plano mo? Kapag lahat ng binali ko'y sagad na sa buto Pero nakapagtataka, bakit mahal pa rin kita? O sadyang nakapagtataka? Dahil mahal pa rin kita [Chorus: Julie Anne San Jose, Gloc-9] Lumapit kahit na malayo ka Ang lahat ay ginawa, ano nga bang napala? Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa Kahit kaya pa'y paalam na 'Di ko makakaila kahit na sa kabila Ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula Lumapit kahit na malayo ka Tama na ang salita, ano nga bang napala? Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa Kahit kaya pa'y paalam na 'Di ko makakaila kahit na sa kabila Malay mo'y magkita pang muli

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9