Liwanag

Lyrics
Intro: Alam kong madami tayong problemang pinagdaraanan Pero isa lang ang dapat nating gawin Hanapin natin ang liwanag Chorus: Bakit 'di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Bakit 'di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Verse 1: Makinig sa mga salitang aking isinulat At buksan ang mga mata na hindi nakamulat Matagal ko nang gustong lahat kayo'y kausapin 'Wag mawalan ng pag-asa ano man ang suliranin Bawat kirot, bawat sakit na 'yong nararamdaman Manalig ka lamang at ito'y malalampasan Pupunasan ang luha 'di na muli pang luluha Isipin lang na paa niya ang nakabakas sa putik at 'di sayo Chorus: Bakit 'di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Bakit di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Verse 2: Ang pangalan ko'y Allan, isang batang lansangan Palaboy-laboy naghihintay na ako'y kaawaan At abutan ng kahit na ilang pirasong barya May sakit ang aking ina't wala na'ng aking ama Meron akong nakakatandang kapatid na babae Nagtatrabaho sa gabi saki'y may nakapagsabi Kahit walang pagbabago't patuloy ang paghihirap Ito'y hindi hadlang sa akin upang ako'y mangarap At manalangin sa Maykapal, patuloy na magdasal Ang araw ay sisikat at hindi rin magtatagal Bukas ay liliwanag ako'y di Niya iiwanan Kahit ang makasalanan ay di Niya papabayaan Salamat po Ama Chorus: Bakit 'di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Bakit 'di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Verse 3: (Francis M.) Sa pagsindi ng kandila liwanag ang ibinigay Liwanag na hatid ng araw sa bukang liwayway Ito'y sinulat ng aking kamay, inisip ng aking utak Tinype ng daliri na siya na ring humahawak ng mikropono Mic check with rhymes na may sense, I creep to my stand So I can rap, my friends Itong lahat ay sinulat, parang balitang inulat Lahat ng tao'y nagulat, sa pagsambulat namulat Di ko masabi kung bakit ganon na lang tingin sa akin Ng mga taong humanga, biyayang galing sa langit Pasasalamat sa hari na siyang namumukod tangi At di nyo kayang bilangin ang mga butil ng buhangin Kaya't ang tanging dalangin tuloy-tuloy na palarin Tuloy-tuloy na umawit na siyang tunay na hangarin Ito na rin marahil ang kailangan nating gawin Umamin sa ating mga sala Ama ako ay Iyong patawarin Chorus: Bakit 'di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Bakit di mo pagbigyan At pintuan mo'y buksan Ang siyang hinahanap ko Nariyan lang sa puso mo Outro: Kahit ga'no man kadilim ang bawat gabi na sa atin ay nagdaraan Lagi nating isipin na ito'y may kasunod na umaga Umaga na nagdadala ng liwanag At liwanag, liwanag na nagbibigay ng pag-asa Halika, sumama ka sa 'kin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9
- Francis M.