Kung Tama Siya

Album cover art for "Kung Tama Siya" by Gloc-9 & Jaq Dionisio

Gloc-9 & Jaq Dionisio - Rap, Hip-Hop

Kung Tama Siya

0 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Chorus: Jac Dionisio] Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pa'no kung tama siya? Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pa'no kung tama siya? [Verse 1: Gloc 9] Tinta at panulat ang ginamit Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit Nag-aral nang matuwid parang sangi-saking anit 'Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit Ng amoy nung ako'y magpasyang ituloy Ang pagsulat ng talata na magsisilbing apoy Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy Kahit na sabi nila ako'y hindi pumapalag Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag Bakit kailangang magpatayan ng maghapo't magdamag Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo'y libag? Makalipas ang isang daang taon at limampu Ano ang aking namasdan, ano ang aking natanto? Para bang ang panahon mula noon ay huminto Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto? Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan: Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian? [Chorus: Jac Dionisio] Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pa'no kung tama siya? Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pa'no kung tama siya? [Interlude: Gloc-9,Jac Dionisio] Ito ang sa tingin ko'y tama At ang siyang nararapat Pero teka lang... Pa'no kung tama siya? Sa kanila'y huwag kang maawa 'Yan lang ang siyang nararapat Pero teka lang... Pa'no kung tama siya? [Verse 2: Gloc 9] Ako'y isang batang Tondo na anak ng mananahi At sa edad ng katorse mga braso'y natali 'Di man natapos sa eskwela, nagpatuloy magbasa Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata Na ang nagaganap sa 'king kapaligiran ay mali At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati Abuso at kalupitan, hindi mo dapat pagtakpan Kung hindi ka lumaban, wala kang dapat pagtakhan Ayaw nilang magparaya, may humaharang sa daan Wala nang pakiusapan, 'di mo subukang tadyakan Dahil ang kinakayan-kayanan lamang ay mahina Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila Ibinuwis aming buhay, natunaw ang kandila At nagbago ng itsura ng tinaas na bandila Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan: Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian? [Chorus: Jac Dionisio] Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pa'no kung tama siya? Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pa'no kung tama siya? [Interlude: Gloc-9,Jac Dionisio] Ito ang sa tingin ko'y tama At ang siyang nararapat Pero teka lang... Pa'no kung tama siya? Sa kanila'y huwag kang maawa 'Yan lang ang siyang nararapat Pero teka lang... Pa'no kung tama siya? [Outro: Gloc-9,Jac Dionisio] Ito ang sa tingin ko'y tama At ang siyang nararapat Pero teka lang... Sa kanila'y huwag kang maawa 'Yan lang ang siyang nararapat Pero teka lang... Pa'no kung tama siya?

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9