Katulad Ng Iba

Lyrics
[Chorus: Zia Quizon] Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam [Verse 1: Gloc-9] Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon Ayoko nang maligo, tapos na 'ko kahapon Ubusin ang almusal, binabagalan lumamon Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon Palaging walang kibo, tahimik sa tabi Hindi ako nakatulog nang magdamag buong gabi Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli Anak bakit ka tulala? Lumalamig na ang kape 'Di ko alam ang gagawin, ayoko nang pumasok Hindi naman mabaho, bakit nakakasulasok? Merong mga nangyayari sa'tin sa paaralan Hindi bukas makalawa, ngayon dapat solusyonan [Chorus: Zia Quizon] Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam [Verse 2: Gloc-9] Ano'ng iyong napapala 'pag nanapak ka sa mukha? Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura Laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa Na parang 'di mo alam ang salitang mapagkumbaba Unipormeng maputi, papahiran ng dumi Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi Minsan ako'y napapaisip, 'di ko maisantabi Pakikipagkapwa tao ba sa'yo ay guni-guni? Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan Nawa'y ang putik mong tinapakan ay 'di ka balikan Dahil ang nagmamataas, kahit na may dahilan Ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan [Bridge: Zia Quizon] Ang ibinababa ang siyang tinataas Ang nagmamataas ang siyang nadudulas Ang ibinababa ang siyang tinataas Ang nagmamataas ang siyang nadudulas [Refrain: Gloc-9] Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila 'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila 'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba [Chorus: Zia Quizon] Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam [Instrumental Break] [Refrain: Gloc-9] Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila 'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila 'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9