Kamusta Ka Na

Lyrics
[Intro] Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si idol pala 'to eh Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si idol pala 'to eh [Chorus] Kumusta ka na? Miss na kita Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa Oh, kumusta ka na? Kay tagal na Ikaw pa rin ba yung katulad noon? Kamusta ka na? [Verse 1] Kumusta? Kay tagal nating hindi nagkita Parang ala-sais ng gabi, anong balita? Sumasakit ang tuhod, kaya mo pa bang sumipa? Baga na bakal pero nagkaroon din ng hika Naaalala mo pa ba noong nananaginip ka? Nang gising, humiling sa tuwing mag-isa Magaling, magaling, 'yan ang sabi nila Bituwing maningning ay mabibilang ka Pero pa'no? Batang probinsyano 'Di naman ako pinanganak na areglado Pero tinaguyod kami kahit na papano Ni Nanay at Tatay na ginawang bus ang eroplano Hanggang sa pinili ko ang rap nang walang pagpapanggap Hindi galing tate ang cap kaya 'di ako matanggap Parang trabaho na inaplayan, naglalakad sa morayta Pare, hip-hop ba 'yan? (Hip-hop) Ang gusto kong gawin aking binantayan Kahit natutulog ay inasinta ko 'yan Mga sinilungan at mga natambayan Kung meron mang nalampasan ay ating balikan [Chorus] Kumusta ka na? Miss na kita Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa Oh, kumusta ka na? Kay tagal na Ikaw pa rin ba yung katulad noon? Kamusta ka na? [Verse 2] Hiram na sapatos at damit, maluwag o masikip Ang madalas na bago lamang sa akin ay gupit Paulit-ulit, sige, tawagin mo 'kong makulit Kahit na sungitan ay nananatiling mabait At magalang sa kausap, opo, sige, okay lang Kahit ang kapeng pinapainom sa'kin, matabang Tula na isinulat, matagal na pinaghandaan Ako na po ba? Kaso lang, minamaya-maya ka lang Dagdagan ang diskarte kasi kulang ang pamasahe Talagang malas kasi nakatapak pa ng tae Kung kapos ang 'yong baong pera pati pantalon Limang-daan lang ang kinita mo sa show, ayos lang 'yun Tapos swelas ay nganga, galingan mo kulang pa Mas sikat sila at magaling, marami pang iba 'Di nagpatinag kahit ano man ang sabihin nila Ang nasa bulsa ay ako lang ang may dala-dala Gusto kong maging binantayan Kahit natutulog ay inasinta ko yan Mga sinilungan at mga natambayan Kung meron mang nalampasan ay ating balikan Ating balikan [Chorus] Kumusta ka na? Miss na kita Lahat ng mga napagdaanan natin, tanda ko pa Oh, kumusta ka na? Kay tagal na Ikaw pa rin ba yung katulad noon? Kamusta ka na? [Outro] Kumusta ka na? Miss na kita Ako nga pala si Gloc, naaalala mo pa ba Ang lahat ng mga napagdaanan natin noon Mula dekada nobenta hanggang umabot ngayon Dos mil bente tres, bumagal ang mabilis Kahit payabangan mo, ako'y 'di na maiinis 'Di na sumasali sa debate, wala nang interes Sa usapan na kung sino ang the best (Hip-hop) [Outro] Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si idol pala 'to eh Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si idol pala 'to eh Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si idol pala 'to eh Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si-si, Si i–, Si idol pala 'to eh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...