Itak Ni Andres

Lyrics
Naputulan ng paa pero 'di sya tumakbo Naputulan ng kamay pero 'di sya tumakbo Naputulan ng kuko pero 'di sya tumakbo Pero 'di sya tumakbo pero 'di sya tumakbo Sinong takot? Sinong tumitiklop? Sinong tumatakbo 'pag ang kalaban ay nariyan sa likod? Hindi takot, hindi tumitiklop Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako Sa bewang ng supremo Ako'y kasing tigas ng bakal Binabad sa apoy para lang mapalambot Supremo 'Di ako marunong umangal Kahit na ako'y may martilyong sinasambot Aking dinanas Pilit tinanas Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko Aking dinanas Pilit tinanas Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko, oh oh Braso, kamay, ulo, pangalan Binitbit sa digmaan Nalasahan ko na Kaya siguro ganito ang aking pagkakahulma Sa paraan ng paggamit sakin hindi na nagtaka Agad nalaman ko na minsan ay kailangan mong itarak Dugo'y dumanak, nang malaman ang balak Ng iba na ang tanging hangad ay ang makalamang Kapag may nililitis ako ang laging nakaabang 'Pag merong nahatulan at 'di makita ang baril Dahil sanay pumutol ng kahoy ako'ng tagakitil Pero kung minsan ay nagtatanong may napuntahan ba Ang walang tigil na pagdaloy ng sapa na pula At sa palengke ng dahas 'di kailangang bumili Ang pilit na sinasabi sakin ng pluma ni Jose Tingin ko yun ay mabagal, ito ang mabilis Ako nga po pala ang itak na gamit ni Andres Aking dinanas Pilit tinanas Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko Aking dinanas Pilit tinanas Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko, oh oh Sinong takot? Sinong tumitiklop? Sinong tumatakbo 'pag ang kalaban ay nariyan sa likod? Hindi takot, hindi tumitiklop Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako Sa bewang ng supremo Sinong takot? (Naputulan ng paa pero 'di sya tumakbo) Sinong tumitiklop? (Naputulan ng kamay pero 'di sya tumakbo) Sinong tumatakbo 'pag ang kalaban ay nariyan sa likod (Naputulan ng kuko pero 'di sya tumakbo Pero 'di sya tumakbo pero 'di sya tumakbo) Hindi takot (Naputulan ng paa pero 'di sya tumakbo) Hindi tumitiklop (Naputulan ng kamay pero 'di sya tumakbo) Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako (Naputulan ng kuko pero 'di sya tumakbo) (Pero 'di sya tumakbo pero 'di sya tumakbo) Sa bewang ng supremo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9