Isang Araw

Lyrics
Biyernes ng umaga, paggising ko pasok sa 'skwela, nalilito, may exam ngayon Napipikon, 'di ko malaman kung sa'n ako lilingon Para makakuha ng sagot kapag bumagsak, ako'y malalagot Kay ermat, erpat, sipa, tadyak, ilabas ang kodigo, baka makalusot Sa teacher kong apat ang mata, nakasalaming kasing kapal ng tabla Palakad-lakad, lapad-lapad, buti na lamang, ako nama'y nakapasa Kung hindi mapipilitan na naman akong ulitin ang lahat ng mga pangyayari Katulad ng minsan, ako ay nagbyahe at nakilala 'tong malupit na babae Sa may QC, pangalan ay Debbie, nag-aabang siya ng taxi Tinitigan ko siya ng mata sa mata, sinabi kong "You look lonely, do you wanna go somewhere?" Plak, nagka-bituin ang aking paningin Bumakat ang kaniyang kamay sa'king mukha, pagkatapos akong sampalin Pero ngumiti siya, may kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba syang matawagan? Kaya binigay niyang kaniyang calling card sa akin na animo'y parang humahalik sa hangin Kaso lang napagkamalan kong calling card niya na ticket ng bus Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice Sinubukan kong hanapin do'n sa may Sta. Cruz At baka sakali na ang landas namin ay mag-krus Kaya pumasok ako sa isang eskinita at tinanong ang kauna-unahan na nakita Dahil baka sakaling kaniyang nakikilala ang babaeng animo sa'kin ay isang diwata "Manong, nakikilala niyo pa ba? Sino ba 'yon? Ano nga bang pangalan niya, teka, Girlie ba 'yon?" Oo, kanina pa naghihintay sa'yo doon Lapitan mo, ayun nakaupo sa may balon 'Eto ba siya? Bakit parang hindi yata ito? Maganda siya kaya sige, napasubo ako Teka lang, teka muna, ako'y litong-lito Nangyayari lang 'to sa mga guni-guni ko Na para bang nagmamaneho ng isang bagong-bagong auto Marami nang pera, nanalo pa sa lotto Walang kumakalaban at lahat bumibilib, hindi naghihintay, hindi naiinip Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kwento ko Habang naglalakad ay nakasalubong ako ng hip hop na metal Punkistang bungal, natapilok kaya na-shoot sa kanal Tinulungan ko, kawawa naman kasi 'di na niya makita limang pisong pambili Ng suka na gagamitin ng kaniyang inay para may sawsawan ang kaniyang masibang itay "Salamat, huh, ang bait mo pala" 'Pag dating sa kanila Ako lang ang 'di pinakilala sa kapatid niyang si Girlie at sa pinsang si Debbie Gulong-gulo at ako ay hindi mapakali Para bang ang lahat ng mata'y sa'kin nakatingin At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin Kasi ba naman parang walang malabong nangyari Sa'min nitong mga kaharap kong panalong babae
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9